Filipino community sa Riyadh, binisita at kinumusta ni Pangulong Marcos

Pauwi na ngayong araw si Pangulong Bongbong Marcos, matapos dumalo sa 1st ASEAN-GCC summit sa Riyadh Saudi Arabia.

Pero bago umuwi ang Pangulo, nakipag kita muna ito at kinumusta ang Filipino community para personal silang pasalamatan sa kanilang mahahalagang kontribusyon sa bansa.

Read More:  Philippines named Asia’s Leading Dive Destination for 8th straight year

Sa mensahe ng Pangulo, binigyang diin nito ang dedikasyon ng pamahalaan sa kapakanan ng mga overseas Filipino workers at ipinarating din ang mga programang nakalaan para sa kanila gaya ng OFW pass.

Kinilala rin ng Pangulo ang kanilang pagiging “cultural ambassadors” dahil sa patuloy na pagsulong ng turismo sa Pilipinas.

Read More:  45°C heat index possible in 2027 amid Super El Niño

Tinatayang nasa 700 thousand ang mga Pinoy na naninirahan at nagtatrabaho sa Saudi Arabia.

Karamihan sa kanila ay nasa household services, construction, tourism, hospitality, healthcare, at agriculture.