Dating Cabinet Secretary, at PDP-Laban official, kumalas sa partido

Nagbitiw na sa pwesto bilang secretary-general at miyembro ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan si Atty. Melvin Matibag.

Isinumite ni Matibag ang kanyang resignation letter ilang araw matapos na lumabas ang column nito kung saan nakasaad ang kanyang pagtutol sa paglalagak ng confidential fund sa mga civilian agency gaya ng Office of the Vice President at Department of Education.

Read More:  Robin Padilla denies ‘helping Bato escape’ after Senate CCTV release

Sinabi ni Matibag na dapat ang confidential at intelligence fund ay ilagay lamang sa mga ahensya na may kinalaman sa pagdepensa sa bansa.

Read More:  Comelec orders new probe into Escudero campaign contribution allegations

Matatandaan na ipinagtanggol ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang pagkakaroon ng confidential fund ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte na siyang namumuno sa OVP at DepEd.

Ito ay matapos na ilipat ng Kamara ang CIF ng OVP at DepEd sa ilang institution na nangangailangan.