Pag-atras ng mahigit 100 kandidato sa Abra, walang halong pananakot ayon sa COMELEC

Kinumpirma ni Commission on Elections spokesperson Atty. Jophn Rex Laudiangco na personal na desisyon ng mahigit sa 120 na kandidato sa Abra ang kanilang isinagawang pag-atras at ng tanungin ng komisyon ay wala namang sinabing pagbabanta na naranasan.

Read More:  Classes suspended at San Jose National High School in Tacloban

Kung maalala, nangyari ang pag-urong ng mga kandidato matapos mapaulat ang pamamaril-patay sa isang tumatakbong kagawad sa barangay Bucay, Abra.

Sa kabuuan, naging matahimik at maayos ang unang araw ng kampanyahan maging sa mga binabantayang lugar sa BARMM, Embo Brgy ng Taguig at Makati gayundin sa na una ng nasama sa election hotspot na Negros Oriental ay wala naman aniyang untowards incident na naitatala.

Read More:  Defense may call Zuleika Lopez as witness in VP Sara trial