Hindi na nga nakapaglakad papuntang altar si Police Corporal Brannard Castañeda matapos itong dalhin ngayong araw sa Las Piñas City Prosecutors Office para sa isang inquest proceedings.
Ito ay matapos siyang mahulicam na nagwala at di kalaunan ay nagpaputok ng baril sa kanilang lugar.
Maliban pa roon, tinutukan din umano ni Castañeda ng baril ang isa sa mga ka-barangay nito na pauwi pa lang noon.
Kaugnay nito, haharap ang nasabing pulis sa kasong grave threat, illegal discharge of firearms na may kaugnayan sa omnibus election code at pati na rin sa kasong administratibo.
Samantala, ayon sa ilang kapitbahay ni Castañeda, ugali na raw ng nasabing pulis ang magpaputok ng baril tuwing nalalasing ito.