IDF, tinawag na ‘very strong’ ang mga Pilipino sa gitna ng giyera sa pagitan ng Israel at Hamas

Tinawag na ‘very strong’ ng Israel Defense Forces (IDF) ang mga Pilipino sa gitna ng giyera sa pagitan ng Israel at grupong Hamas.

Ayon kay IDF spokesperson Major Libi Weiss, naaalala nito ang katatagan ng mga Pilipino sa panahon ng sakuna tulad na lamang noong Typhoon Yolanda.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Sinabi pa ni Weiss na lahat ng tao sa Israel at pati na rin ang mga Pilipino ay nalulungkot, natatakot at nakararanas ng kawalan.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Sa huli, pinayuhan naman nito ang mga Israel citizens at maging ang mga Pilipino doon na maging maingat sa posibleng atake sa lugar.