43 DTI exhibitors itatampok sa ‘Beautiful Sorsogon’ Agri-Trade, Travel and Tourism Expo

Ibibida sa Beautiful Sorsogon Agri-Trade, Travel and Tourism Expo ang 43 na mga exhibitors ng Department of Trade and Industry (DTI) – Sorsogon. 

Ayon sa DTI, gagawin ang nasabing aktibidad sa Oktubre 13 hanggang 17 sa Capitol Kiosk, Capitol Compound bilang bahagi ng mga aktibidad sa pagdiriwang ng Kasanggayahan Festival ngayong taon.

Read More:  Davao Oriental jail unrest leads to warden’s removal

Tampok sa nasabing aktibidad ang mga lokal na produkto ng lalawigan.

Samantala, patuloy naman ang paghahanda ng DTI Regional Office para sa Orgulyo Kan Bikol Trade Fair.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Ayon kay DTI OIC Regional Director Dindo Nabol, gaganapin ito sa Shangrila Plaza sa Manila sa October 19-22, 2023. Bukod pa rito, sinabi ng opisyal na  naghahanda din sila para sa Outbound Business Mission ng DTI at mga Pili product processors sa bansang Netherlands sa buwan ng Nobyembre.