Bulkang Taal, nagsimulang maglabas ng volcanic smog; Ilang estudyante sa Tuy, Batangas, naospital

Nagbuga ng volcanic smog ang Bulkang Taal, na kitang-kita sa ilang bahagi ng Cavite at Batangas.

Ayon sa naitala ng PHIVOLCS-DOST, nagkaruon ng anim na volcanic earthquake at patuloy ang pagbuga ng sulfur dioxide flux sa bulkan, na aabot sa 4,322 na tonelada.

Samantala, mahigit 40 estudyante na ang dinala sa iba’t ibang ospital sa Tuy, Batangas, na may sintomas ng paninikip o pananakit ng dibdib, pagkahilo, pangangati ng lalamunan, at pangangati ng balat.

Read More:  Palace open to corruption probe with sufficient evidence

Ayon kay Batangas Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office Head Dr. Amor Calayan, dalawang linggo nang nakakaapekto ang smog sa mga bayan sa lalawigan.

WALANG PASOK

Kanselado ang pasok sa ilang paaralan sa Luzon ngayong araw.

Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Balayan, Calatagan, Lian, Nasugbu, Tanauan, San Nicolas, Balete, Tuy, Calaca, at Taal.

Read More:  Romualdez ready to face Ombudsman complaint, says he will answer allegations

Apektado rin dito ang ilang bahagi ng Cavite, kabilang na ang Magallanes, Kawit, Ternate, Silang, Alfonso, Gen. Emilio Aguinaldo, Gen. Trias, Mendez, Naic, Imus, Cavite City, Noveleta, Trece Martires, Maragondon, Tagaytay City, Dasmarinas City, Tanza, Rosario, Indang, Bacoor City, Gen. Mariano Alvarez, Carmona, at Amadeo.

Pagdating sa Metro Manila, walang ring pasok sa Muntinlupa, Pasay City, San Juan at Paranaque City.