2 patay; 5 kritikal matapos mahulog sa bangin ang kanilang sinasakyang bus sa New York

PATAY ang 2 tao matapos maganap ang malagim na aksidente sa kahabaan ng Interstate 84 sa Orange County sa New York.

Kinilala ng mga otoridad ang dalawang biktimang sina Beatrice Ferrara, 77, na nagmula sa Farmingdale, New York at si Gina Pellettiere, 43, ng Massapequa.

Read More:  Death toll from Nepal, Tibet flash floods surpasses 1,000

Ayon sa inilabas na ulat, 40 mga estudyante ang sakay ng bus kasama ang 4 na matatanda.

Read More:  Wildfire haze disrupts classes for 1.4 million students across Indonesia

Dahil sa aksidenteng ito isinugod sa ospital ang 5 mga estudyante matapos sapitin ang kritikal na kondisyon.

Inabot sa 45 minutos bago maresponde ang mga biktima sa naganap na aksidente. ### KENNETH BERMIL