LEGAZPI CITY – Arestado ang isang lalaking tulak ng iligal na droga sa ikinasang drug buy-bust operation sa sa Purok 1, Brgy. Kimantong, Daraga, Albay.
Kinilala ang suspek na si alyas “Sam”, 29 anyos, residente ng Purok 6, Brgy. Bogtong, Legazpi City
Nahuli ito sa operasyong ikinasa ng Daraga MPS katuwang ang mga tauhan ng RIU 5-PIT Albay at PIU-Albay PPO sa pakikipagugnayan sa PDEA Bicol kung saan naaktuhan itong nagbebenta ng pinaniniwalaang “shabu” sa katransaksyon niyang pulis na nagpanggap bilang buyer.
Nakumpiska mula sakanya ang dalawang piraso ng selyadong plastik na naglalaman ng nasabing item kapalit ang PHP1,500 na buy-bust money.
Nahaharap ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at kasalukuyang nasa kostudiya ng Daraga MPS para sa kaukulang disposisyon.