Sinumpaang salaysalay ng 2 environmental activists, isinapubliko ng NTF ELCAC

Isinapubliko ng National Task Force to end Local Communist Armed Conflict ang sinumpaang salaysay at series of events kaugnay ng sinasabing pagsuko ng dalawang environmental activist na sina Jonila Castro at Jhed Tamano.

Sa isang online briefing, ipinakita ng NTF-ELCAC ang mga litrato kung saan pumirma ng kanilang sinumpaang salaysay sina Castro at Tamano sa harap ng isang PAO lawyer at sinaksihan ng mga magulang ni Jhed.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Nakasaad sa affidavit ni Jonila na miyembro sya ng communist terrorist group.

Dahil umano sa pangungulila sa pamilya, stress at isyu ng kanilang kaligtasan minarapat nilang takasan na lang ang NPA.

Sinabi naman ni Castro na nagpatulong sila sa isang kakilala na sumuko dahil nabalitaan nila ang plano ng Rebulusyonaryong Hukbong Bayan na kalaban ng NPA, na “trabahuin” sila.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Pinabulaanan din ng dalawa sa sinumpaang salaysay na sila ay dinukot

Sinabi ni NTF-ELCAC executive director Ernesto Torres na nakadokumento at naka-video pa ang panunumpa nina Tamano at Castro kaya’t bahala na ang taumbayan na humusga.