Lalaki arestado sa buy bust operation ng Paracale police

CAMARINES NORTE – Arestado ang isang lalaki sa ginawang buy bust operation ng mga pulis  sa Purok-Kamagong, Poblacion Norte, Paracale, Camarines Norte noong sabado ng umaga.

Ayon sa ulat ng Paracale Municipal Police Station kinilala ang suspek na si alyas “Ato” 35, may kinakasama, tubong Lupi, Camarines Sur at kasalukuyang naninirahan sa lugar kung saan ito naaresto.

Read More:  Ambulance caught carrying ₱1.08 million smuggled cigarettes in Lanao del Norte

Nakuha sa nasabing operasyon ang tinatayang 0.4 gramo ng iligal na droga na may street value  na Php2,720.00.

Read More:  44 ASF-positive pigs culled, buried in Cebu

Nasa kustodiya ngayon ng naturang Municipal Police Station ang naarestong personahe gayundin ang mga nakuhang ebedensiya para sa kaukulang disposisyon.