NCRPO, inaprubahan na ang dismissal ng walong pulis-Navotas na sangkot sa pagpatay kay Jemboy Baltazar

Nagbigay na ng go signal ang liderato ng National Capital Region Police Office (NCRPO) para sa dismissal – ‘o ‘yung tuluyang pagsibak sa walong mga pulis na sangkot sa pagpatay sa binatilyong si Jemboy Baltazar.

Read More:  Senate court calls out prosecutor over ‘premature’ statement in Duterte trial

Ito ay kaunod ng rekumendasyon ng PNP-Internal Affairs Service matapos ang kanilang imbestigasyon hinggil sa kaso.

Pinirmahan na ni NCRPO director BGen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang dismissal order para sa mga ito.

Read More:  DepEd warns students against fake news, pranks, and bomb threats

Kung maaalala, una na silang naging guilty sa patung-patong na administrative cases laban sa kanila.

Bago ‘yan, nasibak na rin ang buo nilang unit; habang na-relieve din ang kanilang hepe.