Procurement ng DepEd ng 39k laptops para sa mga guro, nais paimbestigahan ng mambabatas

Nais paimbestigahan ng isang House leader ang kuwestyunableng procurement ng 39,000 laptop computers ng Department of Education (DepEd) para sa mga public school teachers.

Ayon kay Deputy Speaker Bernadette Herrera-Dy, nakatanggap sya ng impormasyon na ang kontrata para sa suplay at delivery ng mga laptops na ito ay dapat i-aaward hindi sa pinakamababang bidder bagkus ay sa ikalawa sa pinakamababang bidder.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Aniya, nakaka-alarma ito at di katanggap-tanggap dahil ang P167 milyon na mawawala ng gobyern sa proyektong ito ay pwede pang magamit sa ibang bagay lalo na’t nasa gitna tayo ng pandemya. 

Giit ng mambabatas, nakatanggap g post-disqualification notice ang lowest bidder dahil sa di pagsunod sa requirements kabilang na ang required specification para sa laptop carrying bag. 

Kinuwestyon ng kongresista kung bakit sa specs ng laptop bag at di ng computer ang naging basehan sa pag-award ng contract sa pagbili ng laptop computers para sa mga guro. 

Read More:  Zubiri apologizes to Bukidnon for joining minority bloc

Binigyang diin ng mambabatas na kailangang aksyunan ito ng Kongreso para maiwasang madaya ang gobyerno sa mga procurement projects gamit ang kaban ng bayan. 

Una nang sinabi ng DepEd na bibili sila ng laptops para sa 68,500 personnel sa gitna ng distance learning system na ipinatutupad sa gitna ng pandemya.