DA: Pinsala ng Bagyong Goring sa agrikultura, nasa P189.1M na

Inihayag sa ulat ng Department of Agriculture (DA) na umabot na sa P189.1M ang pinsala ng Bagyong Goring sa sektor ng agrikultura.

Read More:  Reddit and Discord agree to designate local representatives in the Philippines — CICC

Ayon sa DA-Disaster Risk Reduction and Management Operations Center, apektado ang 3,962 na magsasaka sa Cagayan Valley.

Sinabi pa ng ahensya na karamihan sa sinira na pananim ng bagyo ay ang mais at bigas.

Read More:  Rovelyn Baterbonia clarifies P30 entrance fee at Rene Baterbonia’s mini museum

Una nang iniulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na mahigit P41M na ang pinsala ng bagyong Goring sa pitong rehiyon ng bansa.