China nanawagan na ibalik ang 2000 artifacts na umano’y ninakaw ng British Museum

NANAWAGAN ang state media ng Tsina na ibalik na ang ‘di umano’y nakaw na mahigit 2000 artifacts ng The British Museum matapos na kumalat ang mga post patungkol rito sa social media.

Mariing nakiusap ang Global Times sa museo na isauli ang lahat ng cultural relics sa Tsina nang libre o ‘free of charge’.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Dagdag pa nila, hindi umano napangalagaan ng maayos ng kilalang museo ang mga kultural na ari-arian mula sa ibang bansa.

Samantala, sinalungat naman ni Tim Loughton MP, ang Conservative chairman ng lahat ng parliamentary group ng mga museo, na mapagsamantala o oportunista ang demandang hakabang na ito sa pagbabalik ng nasabing artifacts.

Read More:  Netherlands backs removal of ICC prosecutor Karim Khan

Sa ngayon, patuloy pa ring hinihintay ang sagot mula sa British Museum patungkol sa nasabing akusasyon. ###Johnoah Mae A. Zepeda, Intern