Pusa na may pinakamahabang buntot sa buong mundo, kapatid ng dating may hawak ng titulo

Isang pusa kamakailan sa Michigan, USA ang kamakailan ay nakatanggap ng Guinness World Record Title dahil sa umano’y napakahaba nitong buntot.

Ngunit, bago nito nakamit ang titulong “Longest Tail on a Domestic Cat” ay nauna na ang kapatid nitong masungkit ang parehong titulo.

Napalitan ito ng pusang nagngangalang Altair kung saan, kinumpirma ng Guinnes Organization ang sukat ng kaniyang buntot na may habang 16.07 inches.

Pagmamay-ari umano ito ni Wiliam John Powers kung saan, ibinahagi niya na pagmamay-ari niya rin ang dating may hawak ng titulo na si Cygnus.

Ito’y half brother umano ni Altaire at sa kasamaang palad ay namatay na ito sa taong 2017.

Nang mawala ito ay dito umano siya kinontak ng Cat breeder na pinagbilihan niya kay Cygnus at dito siya inalok ng isa pang pusa na si Altair.

Kuting pa lamang umano si Altaire ay inaasahan na nila na susunod ito sa yapak ni Cygnus dahil sa kapansin-pansin na haba ng buntot nito.

Maliban pa riyan, si William din ang nagmamay-ari umano sa tinaguriang “Tallest Living Domesticb Cat” in the world na si Fenrir.###WENCY LISAY