Palasyo: Walang mali sa pabago-bagong polisiya re: Pagsusuot ng face shield

Iginiit ng Palasyo na walang masama sa mabilis na pagpapalit sa polisiya kaugnay sa paggamit ng face shield sa harap ng COVID-19 pandemic.

Ito ang inihayag ni presidential spokesperson Harry Roque, matapos ang kalituhan na dulot ng kanilang naunang pahayag kaugnay sa naturang usapin.

Read More:  Zubiri opposes online attendance in Senate sessions

Matatandaan na sinabi ni Roque noong nakaraang linggo na ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang face shields ay gagamitin lang sa mga ospital ay maikokonsiderang polisiya, pero noong Martes nang kumambyo ang pangulo at sinabing mandatory parin ang pagsusuot nito sa parehong indoors at outdoors.

Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Ayon sa kalihim, ang konsiderasyon ay ginawa dahil sa supervening events, lalo na’t may mga kaso na ng Delta variant sa Pilipinas.

Una nang sinabi ni molecular biologist Fr. Nick Austriaco ng OCTA Research na ang pagsusuot ng face shield ay nagpapataas sa proteksyon mula sa virus transmission ng 9%. // MHEL PACIA-TRINIDAD