Pagpapabilis sa visa application ng mga foreign students, suportado ni PBBM

Suportado ni Pangulong Bongbong Marcos ang mga rekomendasyong pagpapabilis ng visa application para sa mga tourist at international students.

Ito ay kasunod ng pakikipagkita ni Marcos sa Private Sector Advisory Council (PSAC) Tourism Sector Group, kung saan inihaing suhestiyon ng adoption ng mga online platforms para mas maging kaakit-akit ang bansa sa mga banyagang turista.

Read More:  Tarriela condemns Chinese media’s ‘monkey’ video allegedly depicting the Philippines

Ilan sa rekomendasyon ng grupo ay ang standardization ng information application procedure at impormasyon sa student visa requirements, maging ang accreditaion ng mga clinic para sa medical clearance.

Read More:  Angel Locsin criticizes Padilla following his admission that he is a communist

Maliban dito, nais na ring pahintulutan ang online submission ng mga student visa applications.

Sa huli, sinabi ni PSAC lead convenor and Aboitiz Group President and CEO Sabin Aboitiz, na hinahangad nilang ang Pilipinas ay maging isang bansa na kinokonsidera ng mga dayuhan pagdating sa academic excellence at unique cultural experience.