Habagat, mas lumakas pa, magpapaulan sa Luzon, W. Visayas

Mas lumakas pa ang umiiral sa buong Luzon at western Visayas na hanging habagat o southwest monsoon.

Dahil dito, sinabi ng PAGASA na mas maraming lugar pa sa buong bansa ang makakaranas ng pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat ngayong hapon.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Base sa rainfall forecast, heavy to intense rains ang aasahan sa ilang panig ng Ilocos Region, Central Luzon, CALABARZON, MIMAROPA, Western at Central Visayas.

Read More:  PAGASA warns heat index could exceed 52°C in parts of the Philippines

Sa Metro Manila, posible ang mga pag-ulan mamayang gabi.

Samantala, nagpaalala naman ang PAGASA sa banta ng pagbaha at pagguho ng lupa sa mga okasyon ng malalakas na buhos ng ulan.