LGUs, dapat i-align ang pandemic policies sa mga direktiba ng pangulo- DOJ

Dapat umanong bumuo ng mga polisiya ang mga local na pamahalaan laban sa pagkalat ng COVID-19 alinsunod sa mga direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra kung saan sinabing ang mga resolusyon umanong ipinapasa ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ay legally binding dahil inadopt ito sa executive orders ng pangulo.

Ayon sa kalihim, binuo ng pangulo ang IATF kaya naman qualified political agency ito ni pagulong Duterte.

Read More:  President Marcos net satisfaction falls to -15

Aniya, kailangang ibatay ng mga LGUs ang kanilang mga ipatutupad na polisiya sa mga polisiya, resolusyon at ordinansa ng presidente dahil kung hindi, magkakaroon ng disorder pamayanan.

Ginawa ni Guevarra ang pahayag sa gitna ng conflict sa pagitan ng IATF at ng Cebu provincial government kaugnay ng testing at quarantine protocols para sa mga nagbabalik na overseas Filipinos at overseas Filipino workers.

Read More:  NBI subpoenas four in alleged Bato escape probe

Sa ordinansa kasi ng Cebu, pag nag-negatibo sa COVID-19 ang mga returning Filipinos pagdating ng airport, papayagan na silang umuwi sa bahay at doon mag-quarantine at ite-test muli sa ikapitong araw.

Sa ilalim naman ng IATF-approved protocols, kailangang sumailalim ang mga ito sa facility-based quarantine sa loob ng 10 araw at kukumpletuhin ang nalalabing apat na araw sa kanilang bahay.