2 dead on the spot sa salpukan ng motor at van sa Calauag, Quezon

Patay ang isang motorcycle rider at maging ang noo’y backrider nito matapos makasalpukan ng kanilang sinasakyan at ang isang van sa kahabaan ng Maharlika Highway, Barangay Sumulong, Calauag, Quezon nitong Huwebes, Agosto 10.

Read More:  Policewoman, 3 others arrested in Davao Oriental cigarette sting

Ayon sa report, nag-overtake umano ang van na minamaneho ni Robert Marivalles sa sasakyan na nasa kanyang unahan na naging dahilan upang makasalpukan nito ang motorsiklo na minamaneho ni Bobette Adonis, 35-anyos.

Dead on the spot si Adonis at maging ang backrider nitong si Aldy Sollestre habang tumakas naman ang driver ng van patungo sa hindi pa natutukoy na direksyon.

Read More:  Nine injured as Canlaon City booth burns at Buglasan Festival in Dumaguete

Samantala, kasalukuyan pang nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente.