Filipina Weightlifter Sarno, hakot awards sa Asian Youth and Junior tilt

Mag-uuwi ng tatlong gintong medalya sa bansa ang 19-year old weightlifter na si Vanessa Sarno matapos magwagi sa 71kg women’s category ng 2023 Asian Youth and Junior Championship na ginanap sa New Delhi, India.

Read More:  Juan Gomez de Liaño leads Converge’s rout of Macau with triple-double

Nanguna si Sarno matapos nitong matagumpay na ma-lift ang 95kg sa Snatch, at121kg sa clean and jerk event.

Dahil sa magkakasunod na pagkapanalo, inihayag na ang Pilipina bilang champion na may pinakamataas na combined total.

Read More:  PSC to discuss penalties for online resale of athletes’ Asian Games gear

Matatandaang naiuwi rin ni Sarno ang kampyonato sa nasabing kategorya sa Asian Women’s Weightlifting Championships sa Southeast Asian Games noong Mayo.

Ang pagkapanalong ito ang nagpaabot sa 19 gold medals ng mga pambato ng Samahang Weightlifting ng Pilipinas.