Uling na gawa sa busil ng mais, pinapalago sa Laguna

Patuloy na pinapalaganap ng Department of Agriculture o DA-4a ang produktong uling na gawa sa busil ng mais o ang tinatawang na corn briquettes.

Ang naturang uling ay gawa ng mga magsasakang miyembro ng Calamba Upland Farmers Multi-Purpose Cooperative (CUFAMCO) na nakabase sa Calamba City, Laguna.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Tampok ang produkto sa kanilang Agri-Product of the Week.

Eco-friendly ang produkto dahil walang pinuputol na kahoy para magka-uling at ang mga patapon na busil ng mais ay maaari pang mapakinabangan bilang panggatong.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Sa mga nais na suportahan ang produkto at matulungan ang mga magsasaka nito ay maaaring tumawag sa mga numerong 09985420318 / 09194978718