Pagsagot ng tawag at pakikipag-usap sa loob ng tren, pinayagan na ng DOTr

Pinayagan na ng Department of Transportation (DOTr) ang pakikipag-usap sa kapwa pasahero at pagsagot ng tawag sa cellphone habang bumabyahe sa tren sa kahit anumang rail transportation sa bansa.

Ayon kay Transportation Secretary, Jaime Bautista ang pagluwag sa nasabing protocol sa pampublikong transportasyon ay dala ng pag-alis ng State of Public Health Emergency sa bansa dahil sa COVID-19.

Read More:  DSWD assures readiness during Habagat season

Samantala, pinaalalahan naman din ni Bautista ang publiko na siguraduhing gumamit lang ng mahina na boses sa pagsagot ng tawag o pakikipag-usap sa loob ng tren upang maiwasang makaabala sa ibang pasahero.

Read More:  Ombudsman denies political motive behind cases vs Sen. Jinggoy

Kung maalala, sa ilalim ng Proclamation No. 297 na inilabas noong Hulyo ay mapapawalang bisa na ang lahat ng mga kautusan at memorandum na dapat sundin habang nasa state of public health emergency pa ang bansa.