PGA, suportado ang programang ‘Save Uplands’ ng Ligao City

LEGAZPI CITY – Suportado ng Pamahalaang Panlalawigan ng Albay sa pamamagitan ng Provincial Agriculture Office (PAO) ang programang ‘Save U’ ng Ligao City.

Nagpakita ng suporta si Albay Provincial Agriculturist na si Cheryll O. Rebeta sa nasabing programa ng Lungsod ng Ligao sa pamumuno ni Hon. Mayor Fernando V. Gonzales. Dahil dito, nagsagawa ng paglulunsad at paglagda nito lamang Martes, Hulyo 25, 2023 ng Memorandum of Agreement (MOA) para sa programa sa Ligao City.

Read More:  24-year-old female rider dies in six-vehicle crash at Cebu City

Ang programang ‘SAVE UPLANDS’ ay naglalayon na magkaroon ng kamalayan ang mga residente tungkol sa kahalagahan ng pangangalaga at konserbasyon sa kabundukan.

Ito ay naglalayon din na magtatag ng pakikipagtulungan sa pagitan ng lokal na pamahalaan ng Ligao, Local Government Units (LGUs) at mga Barangay, mga magsasaka, at iba pang stakeholder, gayundin upang hikayatin sila sa pagpapatibay ng mga gawain sa pagsasaka upang maging maayos ang mga produktong agrikultural.

Read More:  Loud sound at Isulan school was not gunfire, Governor says; faulty wiring suspected

Nakatakda namang ipatupad ang nasabing programa sa pitong (7) barangay ng lungsod na may sloping topography.