Paghahanda sa Kamara para sa SONA ng Pangulo sa Lunes – tuluy-tuloy pa rin

Tuloy pa rin ang ginagawang paghahanda ng mga opisyal at kawani ng House of Representatives para sa ikalawang State of the Nation Address ni Pangulong Bongbong Marcos sa Lunes.

Ayon kay House Secretary General Reginald Velasco – bagamat nagsimula na ang lockdown sa Kamara kahapon, tuluy-tuloy pa rin ang ginagawa nilang paghahanda para ma-‘perfect’ ang SONA.

Read More:  Tulfo seeks persona non grata move against Chinese Ambassador Jing Quan

Aniya, nagsagawa raw sila ng reinspection sa Batasang Pambansa mula sa seguridad, mga personnel, at pati na rin sa mga kagamitang kakailanganin para sa Ulat sa bayan ng Pangulo.

Read More:  DepEd prepares flexible learning rules for Super El Niño

Samantala, abangan naman ang Special Coverage ng buong puwersa ng Brigada NewsFM Philippines sa araw ng Lunes.

Mapanonood ito sa lahat ng social media pages ng Brigada NewsFM stations, at sabayan ding mapakikinggan sa lahat ng mga himpilan ng Brigada NewsFM nationwide.