New York, nakatakdang bayaran ng $13-M na danyos ang libo-libong nag protesta sa pagpaslang noon kay George Floyd

NAKATAKDANG magbayad ang New York City ng halagang $13 million sa libo-libong demonstrador na inaresto matapos na mag protesta sa pamamaslang kay George Floyd noong 2020.

Batay sa ulat, halagang $9,950 ang halaga ng danyos na ibabayad sa bawat mga inarestong raliyista na ayon sa Estados Unidos ay siyang pinakamalaking ‘class action settlement’ sa kasaysayan ng cbansa.

Read More:  US lawmakers condemn plan to livestream Nidal Hasan’s execution

Matatandaan na ang insidente ay nag ugat matapos na patayin (sa pamamagitan ng pagsakal gamit ang tuhod) ng isang Minneapolis police officer ang black American na si George Floyd hanggang sa ito ay malagutan ng hininga.

Read More:  One dead, 11 injured in fresh attack on Riyadh airport

Libo-libo ang nag protesta at sumigaw ng hustisya sa pagkamatay ng biktima at mariing kinondena ang krimeng nagawa ng police officer na si Derek Chauvin na sinibak sa serbisyo at sinampahan ng patong-patong na kaso.### JUMEL DELA ROSA