Albay Provincial Government, namigay ng mga IEC materials sa mga LGUs patungkol sa kalusugan ngayong pandemya

LEGAZPI – Namigay ang Provincial Government of Albay o PGA ng mga IEC materials ,nutrition commodities at mga gamot sa mga local government Units sa lalawigan para sa ibang mga health concern ngayong pandemya.

Ito ay para umano bigyang daan ang iba pang napapanahong sakit maliban sa Covid-19 na syang binibigyan ng atensyon ng publiko.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Kasama sa binigay ay ang mga gamot pamurga.

Ang nasabi rin umanong programa ay para magbigay kaalaman sa mga kinkaharap na isyu sa nutrisyon at pagkain.

Isa na kasi rito ang micronutrient supplementation program  na syang humihikayat sa mga masustansyang pagkain sa mga bata, kabataan mga buntis at nagpapadede ng mga anak.

Read More:  Several children saved in Davao del Sur anti-online sexual abuse raid

Sa ganitong bagay, mismong ang kanya kanyang LGU na rin ang magdi-distribute ng mga nasabing information materials.