Ilang mga sasakyan sa Naga, wala pa rin sa tamang paradahan

NAGA CITY –Umani ng negatibong reaksyon galing sa publiko ang muli na naman at sorpresang pag wheel clamp ng mga personahe ng Public Safety Office sa mga sasakyang wala sa tamang parking area.

Ayon sa nagkomentong mga netizens, dapat gawin araw-araw ang pag wheel clamp, gawin din sa mga looban at sa mga subdivisions at marami pang mga side comments laban sa ordinansa.

Read More:  Senior couple stabbed after offering shelter from rain to stranger in Cebu

Bukod sa wheel clamp ordinance, tuloy din ang pagpatupad sa road clearing operation sa mga pangunahing kalsada at malalaking barangay na may mga obstruction pa rin sa daloy ng trapiko.

Sa barangay Concepcion Grande, isa rin sa business area ng lungsod, may ganito pa ring mga violations na nirerersolba ng barangay council na ayon kay Punong Barangay Michael Oliva may mga ayaw pang sumunod.

Read More:  Kabankalan SP questions proposed festival funds, seeks accounting of past spending

Batay sa kanyang pahayag sa Brigada News FM Naga, nakipag-ugnayan na rin sa Department of Public Works and Highway para madaliin na ang proseso sa pagpaalis sa mga naka usling istraktura. Karamihan sa mga natitirang violators ay mga negosyante.