Mag-asawa sa Camalig, Albay, nakatanggap ng mahigit PHP20,000 mula sa ‘BP2’ program ng DSWD

LEGAZPI CITY – Nakatanggap ng PHP25,000 pesos ang isang mag-asawa sa bayan ng Camalig mula sa Balik Probinsya, Bagong Pag-asa (BP2) Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kinilala ang mag-asawa na si Jigie Antones at Rodolfo Nacion kung saan sila ang naging benipisyaryo nito dahil sa kakapusang pinansyal nang sila ay naninirahan sa Imus, Cavite.

Read More:  Rider killed in suspected riding-in-tandem attack in Cebu

Isinailalim sila sa assessment at ibinigay ang tulong-pinansyal para sa kanilang agarang paglipat sa Brgy. Binitayan upang makapagsimulang muli.

Read More:  13 arrested in Cebu over P1.7M unregistered cooking oil

Ang nasabing programa ay isang whole-of-nation approach na naglalayong tumulong sa pag-decongest ng urban poor communities sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pangunahing programa at serbisyo upang palakasin ang kapasidad ng mga taong naghihirap sa pagkakaroon ng kabuhayan sa sandaling sila ay ibalik sa kani-kanilang lalawigan.