PBBM – inaprubahan ang proposed P5.768T 2024 National Budget

Aprub na kay Pangulong Bongbong Marcos ang ipinapanukalang P5.768 trillion na halaga ng National Budget para sa susunod na taon.

Sa magkakahiwalay na panayam, kinumpirma nina Finance Sec. Benjamin Diokno at NEDA Sec. Arsenio Balisacan na nagbigay na ng go-signal si Pangulo sa proposed 2024 National Budget na binalangkas ng economic team.

Read More:  Romualdez camp questions Guteza’s credibility

Nakalusot ito matapos ipresenta ng economic managers sa Cabinet meeting kahapon.

Ayon sa Development Budget Coordination Committee (DBCC) – ang 2024 Budget ay nakatuon sa pagpo-promote ng ‘social and economic transformation’ sa pamamagitan ng infrastructure development, food security, digital transformation, at human capital development.

Read More:  Various groups to hold ‘Baha sa Luneta 3.0’ protest on September 21

Ang 2024 National Budget ay mas mataas ng 9.5% kumpara sa Budget ngayong taon.

Sa ngayon, nasa kamay na ng Kongreso ang pagbalangkas at deliberation sa General Appropriations Act (GAA) na gagamiting basehan sa 2024 Budget.