Panukalang panatilihin ang mga sinaunang laro sa bansa, umuusad na sa Kamara

Sa gitna ng patok na patok na lato-lato – isinusulong ngayon ng ilang mga mambabatas ang pagpapanatili sa mga tradisyonal na laro sa bansa.

Inendorso na ng House Committee on Youth, Sports Development at Committee on Appropriations ang House Bill No. 8466, ‘o ang panukalang Philippine Indigenous Games Preservation Act.

Layunin ng panukala na mapanatiling buhay ang bahagi ng kultura ng bansa na may kinalaman sa mga sinaunang laro sa pamamagitan ng mga nationwide competitions, at ang paglalagay nito sa curriculum sa mga paaralan.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Kabilang sa mga larong ito ay ang mga luksong tinik, patintero, syato, pati na rin ang bunong-braso.

Inatasan ng panukala ang Philippine Sports Competition (PSC), katuwang ng Philippine Olympic Committee (POC), National Commission on Indigenous Peoples (NCIP), at mga lokal na pamahalaan na magsagawa ng taunang indigenous sports competitions sa bansa.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Katulong ng NCIP ang mga nasabing ahensya ukol sa pagbibigay ng produksyon at materyales sa iba’t ibang laro upang mas maipamalas pa ang husay ng mga Pilipino sa larangan ng indigenous game.//JCJ