Nakiisa si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa pagbatikos sa ginawang pag-amiyenda sa Maharlika Investment Fund Bill sa pamamagitan ng messaging app na Viber.

Sa isang panayam, sinabi ni Pimentel na hindi ganito ang tamang proseso at formality sa pagbabago sa isang bill.
Sinabi pa niya na ang mga miyembro lang ng naturang Viber group ay pawang mga Majority bloc, at hindi sila kasama.
Una nito ay sinabi na ni Pimentel na sa plenaryo lang dapat pinagdedesisyunan ang pagbabago sa isang panukala.
Umapela na rin siya kay Pangulong Bongbong Marcos na i-veto ang panukala dahil mataas daw ang tiyansang maideklara lang itong unconstitutional.