Security chiefs ng PH, Japan at Amerika inaasahang magpupulong sa susunod na linggo

Inaaral na ang pagkakaroon ng isang pag-uusap sa pagitan ng mga Security chiefs ng Amerika, Japan, at ng Pilipinas.

Sa ulat ng Japanese state media, nakatanggap daw sila ng mga impormasyon na mayroong nilulutong trilateral talks sa pagitan nina Takeo Akiba ng Japan, Jake Sullivan ng Amerika, at Eduardo Año ng Pilipinas.

Read More:  Malacañang urges Sen. Bato Dela Rosa to surrender

Kapag nagkataon, ito ang kauna-unahang trilateral dialogue sa pagitan ng mga Security advisors o secretariats ng tatlong bansa.

Pangunahing layunin nito ay ang pagpapalakas ng defense at security cooperations ng mga nakilahok na mga estado.

Read More:  PNP forms new tracker teams to arrest Sen. Bato Dela Rosa

Bago ito, una nang nagdaos ng maritime drills ang Coast Guards ng tatlong bansa dito sa Pilipinas.

Isinagawa ‘yan sa gitna ng nagpapatuloy na aggression ng China sa West Philippine Sea at ang tensyon sa Taiwan Strait. //LGD, edited MHEL PACIA