Kongreso, tiniyak ang tulong sa mga maaapektuhan ng pagsabog ng Mayon

Tiniyak ng dalawang Kapulungan ng Kongreso na mahigpit din silang naka-monitor sa sitwasyon ng Bulkang Mayon.

Sa Senado, tiniyak ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda ang tulong sa halos 20,000 mga residenteng apektado ng pagsabog ng Bulkan, lalo na ang mga nasa loob, ‘o malapit sa permanent danger zone.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

Umapela rin si Legarda sa mga concerned agencies na magkaroon ng sapat na kahandaan para sa pagresponde at pagtugon sa pangangailangan ng mga affected individuals.

Sa kasalukuyan, nakikipag-ugnayan na raw ang Senado sa mga kinauukulang ahensya para sa paghahatid ng tulong.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Sa Kamara naman, sinabi ni Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co sa kaniyang mga kapwa Bicolano na makaaagapay nila ang mga mambabatas para sa mga kakailanganin nilang assistance.

Aniya, inihahanda na nila ang tulong, hindi lamang ang immediate relief, kun’di ang pang long-term solutions para sa kanilang pagbangon. //LGD, edited MHEL PACIA