Economic managers, muling pinagtibay ang suporta sa MIF

Muling pinagtibay ng Economic Managers ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kanilang suporta sa Maharlika Investment Fund (MIF).

Sa inilabas na Joint Statement ng mga pinuno ng Finance and Budget Departments, National Economic and Development Authority, at ang Bangko Sentral ng Pilipinas, naniniwala ang mga ito na ang paglikha ng pinaka unang sovereign wealth fund sa Pilipinas ay magsisilbing “vehicle for economic growth.”

Read More:  Remulla names former BTA member as alleged financier in Laos drug shipment

Ayon sa economic team, ito ay pakikinabangan ng mga Pilipino at makakatulong upang makamit ang upper-middle-income status at iba pang agenda for prosperity ng gobyerno.

Read More:  DFA warns of possible diplomatic actions amid Chinese Embassy’s remarks against Philippine officials

Ito rin umano ay alinsunod sa  Medium Term Fiscal Framework at 8-Point Socio-economic Agenda ng administrasyon.//CA