DSWD, handa sa anumang worst case scenario ng Mayon Volcano

Nakahanda ang Department of Social Welfare and Development sa anumang worst case scenario ng Mayon Volcano.

Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, nakausap niya na sina Albay Governor Edcel Greco Lagman at ilang kongresista sa lalawigan kung saan siniguro nitong matagal nang naka-preposisyon ang mga kakailanganing relief goods sa iba’t ibang strategic warehouses sa Albay.

Read More:  House Prosecutors hail subpoenas for VP Sara Duterte records

Sa kasalukuyan, mayroong nakapag-preposisyon na 102,000 family food packs (FFPs) sa  mga warehouses na malapit sa mga munisipalidad na naapektuhan ng unang mag-alburoto ang bulkang Mayon noong 2018.

Read More:  Philippine Navy personnel injured in alleged China Coast Guard assault at Ayungin Shoal

Kabilang dito ang Guinobatan, Camalig, Daraga, Tabaco City, Malilipot, Sto. Domingo, Bacacay, Ligao City, Daraga at Legaspi City.

Tinukoy rin ng DSWD Bicol regional office na batay sa datos noong 2018 Mayon eruption ay ang Guinobatan at Camalig ang maaring magkaroon ng malaking bilang ng evacuees.//CA