Paglalagay ng mas maayos na mga signages at access ramps para sa mga PWD sa bayan ng Jose Panganiban, isinakatuparan

CAMARINES NORTE- Isinakatuparan ang paglalagay ng mas maayos at mas nababasang mga signages at access ramps sa tanggapan at gusali ng lokal na pamahalaan ng Jose Panganiban para sa mga PWD o Persons with Disability.

Kabilang sa mga gusaling meron nito ay ang Main Municipal Hall Building, Municipal Legislative Building, Convention Center, RHU1 and RHU2, Mambulao Grand Terminal Mall pati na ang Jose Panganiban Public Market.

Read More:  DOJ recommends charges against police officer over Tacloban school shooting gun

Bukod dito, naglaan rin ng special PWD Parking Slot sa harap ng Munisipyo at sa Municipal Pay Parking ng nasabing bayan.

Read More:  Six NPA members surrender in Camarines Sur, turn over firearms and explosives

Layon umano nito na alalayan ang mga PWD sa pagkakaroon ng maayos na access sa mga tanggapan ng gobyerno at mga pampublikong lugar sa bayan ng Jose Panganiban.