Carpentry NCII course sa TESDA Zambales may bakante pang slot

May bakanteng slot pa rin para sa mga nais na kumuha ng Carpentry NCII sa TESDA Zambales.

Prayoridad dito ang mga indigent residents na nais kumuha ng short-term course na magagamit para sa paghahanapbuhay.

Read More:  Newborn baby found dead along General Santos City shoreline

Ayon sa TESDA, mayroong mahigit apatnapung slot ang binuksan para dito subalit halos sampo pa lamang ang nakakapag-enroll.

Maliban sa ito ay libre sa tulong ng pamunuan ng ikalawang distrito ng Zambales ay mayroon ring 160pesos na arawang allowance.

Read More:  School building engulfed by fire in Tudela, Misamis Occidental

Samantala, sa mga nais na mag-avail ng programa ay maaaring makipag-ugnayan sa opisina ng TESDA sa Iba, Zambales at magdala ng Certificate of Indigency.//