Jerwin Ancajas magbabalik sa ring sa undercard game

Magbabalik sa loob ng ring si dating world champion Jerwin Ancajas sa undercard ng IBF world super flyweight champion na si Fernando Martinez vs. Jade Bornea bount sa June 24.

Read More:  Alex Eala advances to Asian Games semifinals

Ang nalalapit niyang laban ay para sa 118-pound bantamweight division.

Si Ancajas, na may 33-3-2 at 22 knockouts bilang professional boxer, ay natalo sa kamay ni Martinez noong nakaraang taon sa pamamagitan ng unanimous decision. Isang rematch ang naganap makalipas ang walong buwan kung saan muli siyang natalo.

Read More:  EJ Obiena, strikes gold, sets new Asian Games record in pole vault

Kasunod ng dalawang magkasunod na pagkatalo sa unang pagkakataon sa kanyang karera, dati nang inamin ng Team Ancajas na panahon na para umakyat ng timbang si Ancajas.//CA