3 priority measures ng Malacanang, inaprubahan ng Senado sa pinal na pagbasa

Walang pagtutol na inaprubahan ng Senado sa ikatlo at huling pagbasa ang tatlong panukalang batas na prayoridad ng Kongreso at ng Malacanang.

Isa rito ang dalawang taon o hanggang June 14, 2025 na extension ng real estate tax amnesty program.

Read More:  COMELEC forms anti-vote buying task forces for BARMM Elections

Sa ilalim nito, patuloy na hindi papatawan ng interes at surcharges ang mga naatrasadong bayad sa real estate tax at maaari itong bayaran ng installment.

Inaprubahan din ng Senado ang panukala para sa pagtatayo ng mga specialty hospitals sa bawat rehiyon sa loob ng limang taon.

Read More:  DPWH targets 11,395 infrastructure projects in 2027

Aprubado na rin ng Senado ang Trabaho Para sa Bayan bill na inakda ni Senate Majority Leader Joel Villanueva.

Sa ilalim nito, bubuoin ang masterplan para sa short at long term na plano para sa paglikha ng trabaho. //CA, edited MHEL PACIA