PESO Albay, pinuri ang ‘competitiveness’ ng mga Albayano sa paghahanap ng trabaho

LEGAZPI CITY – Pinuri ng Public Employment Service Office (PESO) Albay at ng Albay Provincial Cooperative, Enterprise and Manpower Development Office (APCEMDO) ang employment competitiveness ng mga Albayano.

Ayon kay PESO Albay Acting Manager, Ely P. Salting, ang kanilang tanggapan ay laging nakabantay sa pagbibigay ng mga oportunidad sa trabaho sa mga jobseekers sa lalawigan.

Read More:  Missing lending collector from Bukidnon found buried in Lanao del Sur pineapple plantation

Ang nasabing tanggapan ay gumagamit ng iba’t ibang mga paraan upang madaling makapag-abot ng tulong sa mga nangangailangan ng trabaho, map-espesyal o lokal na recruitment na aktibidad, career o employment coaching.

Sa tulong din umano ng pagpo-post sa social media ng mga hinihinging bakanteng trabaho, mas mabilis na naipapaalam sa mga naghahanap ng anuman na available o bakanteng trabaho.

Read More:  178 sacks of moldy rice disposed of in Bantayan, Cebu

Nakipagtulungan na rin ang PESO Albay sa Department of Labor and Employment (DOLE) upang mas maisaayos ang serbisyo sa pagpapadali ng trabaho tulad ng mga job fair, habang inilalahad ang kailangan ng mga aplikante sa bawat munisipalidad o lungsod.