Pagbili ng dagdag na 30 dialysis machines, pinoproseso na

KORONADAL CITY- NAGSAGAWA na ng bidding ang provincial government ng South Cotabato para sa bibilhing dagdag na mga dialysis machines.

Ayon kay Governor Reynaldo Tamayo Jr na naglaan ang lalawigan ng P 30 million para sa dagdag na 30 mga dialysis machines na nagkakahalaga ng P 1 million bawat isa.

Napag-alaman na 10 sa mga ito ang ilalagay sa Norala District Hospital, 10 din sa Polomolok Municipal Hospital at dagdag na 10 sa Dialysis Treatment Center sa provincial hospital.

Sa pamamagitan nito, mas mapapalawak pa ang pagpapatupad ng free dialysis program at mas marami pa ang mga dialysis patients na makakabenepisyo nito.