Supply ng tubig sa centro ng Bacacay, Albay sapat – Municipal Engineering Office

LEGAZPI CITY – Kumpyansa ang Municipal Engineering Office ng Local Government Unit (LGU) Bacacay na hindi pa nawawalan ng supply ng tubig ang sentro o poblacion ng nasabing bayan.

Ayon kay Engr. Edgar Quiambao, sapat pa naman sa ngayon ang supply ng tubig sa kanilang lugar, kung saan wala pang shortage sa mga kabahayan o business establishments.

Read More:  More than 2,000 sacks of garbage collected during Dolomite Beach Clean-Up Activity

Aniya, kahit dumating pa ang El Niño sa bansa ay hindi sila nakakaranas ng water shortage.

Read More:  3 Vietnamese arrested over illegal dental practice in Cebu

Kung sakali mang maranasan ng LGU ang kakulangan sa supply nito, mayroon naman silang mga inihanda rito.

Magiging katuwang ng LGU sa pagbibigay ng supply tubig ang Bureau of Fire Protection (BFP) at Bacacay Water District.