Police visibility sa PPC South Nat’l. Highway, papaigtingin- CIO

Papaigtingin umano ang police visibility sa Barangay Luzviminda Puerto Princesa City matapos ang di umanoy tangkang panghoholdap sa isang Professor sa Barangay Sta. Lucia nitong linggo ng Gabi.

Ayon kay City Information Officer Richard Ligad, mayroong PNP Station sa Barangay Luzviminda sa Likod ng Mini City Hall.

Read More:  Construction worker shot dead outside home in Negros Occidental

Dagdag nito, gagawan nila umano ng paraan upang agad na mapansin ng istasyon ng pulisya sa lugar.

Kaugnay nito, kinumpirma naman ni CIO Ligad na nakausap na ng Police Station 2 ang umano’y biktima na si Lennart Diaz Caseria ngunit hindi pa malinaw kung naholdap ang motorista.

Read More:  Veteran broadcaster found dead inside parked car in Cebu City  

Samantala, patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa iniulat ng propesor.