NBI, tuloy ang pagsasampa ng kaso vs Teves

Tuloy ang pagsasampa ng National Bureau of Investigation ng kasong kriminal bukas laban kay suspended Cong. Arnolfo Teves Jr. kaugnay ng pagpatay kay Gov. Roel Degamo at 9 na iba pa.

Read More:  Lacson calls Marcoleta’s recovery a ‘miracle’ after hospital discharge

Kinumpirma ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang paghahain ng reklamo laban sa mambabatas sa isang press briefing na ginanap kahapon ng hapon.

Inaasahang isasampa ang mga kasong multiple murder, multiple frustrated murder, at serious physical injuries laban kay Teves.

Read More:  PNP identifies two suspects in Mima Alicia killing

Kapag naihain na ang mga kasong kriminal, kakailanganing ihain ni Teves ang kanyang counter-affidavit.//CA