Isang lalaki ang pinagbabaril-patay ngayong umaga sa bahagi Brgy. Isabang, Lucena City

Patay ang isang lalaki matapos barilin ng hindi pa nakikilalang suspek sa Barangay Isabang, Lucena City ngayong umaga ng Martes, Mayo 16.

Kinilala ang biktima na si Charles Moses Vidal, 33 anyos at residente ng Brgy. Ilayang Talim, Lucena City.

Read More:  Grenade attack on military truck injures five in Maguindanao del Sur

Ayon sa mga residente ng nasabing lugar nakarinig sila ng apat na putok ng baril.

Habang natagpuan naman sa crime scene ang apat na basyo ng bala.

Read More:  4-year-old boy dies, two other minors survive drowning incident in Lapu-Lapu City

Samantala, ayon asawa ng biktima papasok na sana umano si Charles sa kaniyang trabaho matapos siyang ihatid nito sa Barangay Iyam.

Dagdag pa nito wala naman umanong nakakaalitan o nakakaaway ang biktima. Matatandaang ito ay ika-apat na insidente ng pamamaril sa Lungsod ng Lucena ngayong nakalipas na dalawang linggo.