Ritual ng mga bagong kasal sa South Korea kailangan umanong paluin ng isda ang groom

KAKAIBA ang ritual na isinasagawa ng mga bagong kasal sa South Korea dahil imbes ehersisyo, pagpalo ng isda sa groom ang kanilang ginagawa  para ikondisyon ito sa honeymoon.

Pagkatapos ng wedding ceremony, ang mga kaibigan ng groom ang siyang papalo ng papalo ng tuyong isda sa talampakan nito, at hindi lang kung ano-anong isda , dahil kailangang yellow corvina ito at dapat ay tuyo.

Ang gawaing ito ay naging tradisyon na nila upang palakasin at makondisiyon ang katawan ng lalakeng bagong kasal sa unang gabi nila bilang mag-asawa.###CD