Assistance sa grant-in aid program ng Kabugwason, dinagdagan

KORONADAL CITY- MULA sa P 10,000 per semester, magiging P 15,000 per semester na ang matatanggap na educational assistance ng mga college students sa lalawigan ng South Cotabato sa ilalim ng grant-in aid program ng Kabugwason Paglaum Scholarship Program o KPSP.

Read More:  Hard-to-reach Aklan village gets health, education support

Ayon kay Janly Grace Aspera ng KPSP Office, ang grant-in aid program ay bukas sa lahat ng mga mahihirap na mga college students anuman ang year level nito basta hindi ito recipient ng anumang scholarship program.

Read More:  Army recovers firearm, IED after clash in Northern Samar

Sa ngayon, sarado pa ang application sa naturang programa dahil hinihintay pa na madownload ang dagdag na P 20 million na pondo para dito.