Nagpalabas ng hold departure order ang Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 206 laban kay dating Bureau of Corrections chief Gerald Bantag at kanyang dating deputy security officer na si Ricardo Zulueta.

Inilabas ng korte ang HDO sa kahilingan ng government prosecutors.
Nahaharap sina Bantag at Zulueta sa kasong murder sa Muntinlupa City court dahil sa pagkamatay ng Bilibid inmate na si Jun Villamor, ang umano’y middleman sa pananambang sa broadcaster na si Percival Mabasa o Percy Lapid.
Bukod sa Muntinlupa court, iniutos din ng Las Piñas City court ang pag-aresto kay Bantag at Zulueta para sa pagkamatay ni Lapid.//CA